Our History

How it all started?

Isang maulan na tanghali.

Nagtipon tipon ang magkakaklaseng Ernest, Jeanal, Art, Rochelle, Johanna, Joseph, Michael, Cacy, Jamie, Kristine, Charisse at Roselyn sa bahay ng una. Nakansela na naman kasi ang pasok dahil sa bagyo ngunit sa nakatutuwang pangyayari ay bigla namang umaraw matapos pauwiin lahat ng estudyante.

Wala ang magulang ni Ernest kaya't sinamantala naman ng magkakabarkadang noon ay nasa Fourth year High School at malayang pagiikot sa tahanan nang kanilang kabarkada.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglaang dumating ang ina ni Ernest at noo'y naabutan ang magkakaibigan na nasa salas ng kanilang tahanan.

"Maglabas kayo ng dictionary, kunwari nagaaral tayo." Sambit ni Ernest.

Agad namang kinuha ng mga magkakabarkada ang mga dictionary at encyclopedia nina Ernest na animo'y isinusubsob ang mga sarili sa pag-aaral.

"Eto o, Chugalug. Ibig sabihin: to drink a container of (as beer)" Sambit ni Johanna.

"Oo nga, tayo ang tropang Chag! Hahahaha." Sagot naman ni Roselyn.

"Eto pa, Soubrette, Ibig sabihin: A maid who strive without sincerity to gain attention." Ayon muli kay Johanna.

"Ayan tawag natin sa malalandi, isa kang Soubrette!" Sambit namang bigla ni Jeanal.