Blog Awards



First award



Got an award from Yume Land.

The Rules are:

1. Thank and link the person who awarded u this award
2. Share 8 things about yourself
3. Send it forward to 8 bloggers that you've recently discovered
4. Contact those bloggers and tell them about the award

---
So, I'm gonna do the following steps.

1. Thank and link the person who awarded u this award

The Chag pipz would like thank Eun Mi for giving us this award. Thanks much! Appreciated it very well.

2. Share 8 things about yourself

a. 12 talaga noon ang miyembro ng Tropang Chag. Kaya lang nabawasan ay dahil nawala ang iba sa sirkulasyon.

b. May real life love team na naganap noon sa amin: Joseph - Majoh, Roselyn - Michael, Charisse - Cacy, Art - Rochelle, and Jeanal - Ernest. Ang iba diyan, tapos na. Iyong iba naman, hindi pa nagaganap at mayroong pinagpipilitang maganap.

c. Dalawa sa miyembro ang walang ka-love team. Bakit kamo? They love singlehood: Kristine and Jamie ...at ang weird naman kung sila mismo ang magiging magka-love team.

d. Kapag nagkikita kita kami, may magseset ng oras nang 6PM. Mayroong dadating ng 8PM... at siya ang pinakamaaga.

e. 50% ng Chag pipz ay Nursing graduates. 40% ng Nursing Chag pipz ay nagtuloy sa pagnunurse. 60% naman ng Nursing Chag pipz ay nagtuloy sa ibang career.

f. Bumaliktad ang sitwasyon noong High school pa kami. Kung sino ang pinakamahirap noon, siya naman ang pinakamayaman ngayon, e.g.Michael, dating walang cellphone at nakikitext lang, ngayon siya na ang may pinakamaraming gadgets; Joseph, dati ring walang cellphone at nakikisingit lang sa piktyuran, ngayon parang brief na lang kung magpalit ng phone.
g. Lahat ng miyembro ng Chag pipz ay may Bachelor's degree - isang bagay na pinagpapasalamat namin dahil wala sa aming kahit sino ang hindi nakagraduate at nagtarantado sa buhay.

h. Lahat ng Chag pipz ay employed. Wala sa amin ang palapangin lang ng magulang.
3. Send it forward to 8 bloggers that you've recently discovered

I'm sharing it to: HalojinNajPatriciaand Pinoy ako Pake Mo

Unfortunately, sila lang ang mga naaalala kong bago kong nadiskubre.

4. Contact those bloggers and tell them about the award

Done!.


---

Thanks again Eun Mi.




- chagadelic gurl -