Archives 2010

Sometimes Love Just Ain't Enough


"But there's a danger in loving somebody too much, and it's sad when you know it's your heart you can't trust. There's a reason why people don't stay where they are. Baby, sometimes, love just aint enough. " -Patti Smith


I'm gonna tell a story.

Mababaw lang. Hindi masyadong detalyado. Kaya ko lang naisipang isulat ay dahil sa curiosity kong malaman ang kasagutan sa sitwasyon na ito.

Kasi mahirap. Kahit ako hindi ko alam ang sagot. First time kong mailagay ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.

To start off, there is this guy na matagal na niyang kakilala. But the meet up was not the usual friendship na nakasama mo sa school project or nakilala mo sa office nyo'.

She met him through an online chat. They met up, gone to dates and even done pretty little things na unusual sa mag-kaibigan lang. But she was fine with it. He was too. Both of them weren't committed.

It was a fine friendship. Kung minsan may kulitan. Kung minsan may asaran. At kung minsan may dramahan. It involved feelings. It envolved emotions for both of them. But there was no strings attached.

He longed for her everyday. She longed for him everyday too. Nagumpisa sa casual na relationship. Hanggang sa mauwi sa development involving attraction and love.

She didn't expected for it to happen. He didn't too.

They just went all the way until they found themselves attached to each other.

For less than year, they went out on dates. Met up at the mall, watch movies and kiss before the day ends. There was no formal relationship. It was just friendship. He is single. She is too.

Though, within the same year, despite of seeing each other, they still had casual dates outside of their friendship. But the communication is always there and it was fine. He didn't had a problem going out with friends and work but still communicate with her. She is too. She was able to manage her self with the other parts of her life such as work, girl friends and her self.

Until such time that she thought of clarifying her position in his life. She wanted to know why he still hasn't popped the question. "Can we be together?"

They were fine together. They jive really well. They have a lot of things in common and they both enjoy each other's company. He is single. She is too. With all the feelings they have for each other, why isn't he asking her to be with him... to be his girlfriend?
"I don't want to lose you
but I don't want to use you
just to have somebody by my side. I don't want to hate you,
I don't want to take you
but I don't want to be the one to cry.

And that don't really matter to anyone anymore.
But like a fool I keep losing my place
and I keep seeing you walk through that door."

She asked him.

He told her that he can't commit.

She wondered why and asked him the reason.

He couldn't tell her.

She asked him again.

He told her to go. Find someone else better that him. He told her that she has a life... that they aren't meant for each other.

She tried to understand him but he kept shoving her away. She chose to move one.

Until one day, he came back. He consoled her. She listened and kept him back. They were fine again. But the answer as to why they can't have a relationship is still there.

The special
 friendship went on again. They kep seeing each other. They kept communicating and gone to dates. But in her mind, she kept asking why.

She finally had the courage to ask him. But before that was an intense scenario. They made love with each other. He expressed to him how he feels and she gave herself whole heartedly. After what happened to them, she had no regrets. She admitted, she loves him.

She asked her if he loved her. He answered the question as to why they couldn't be together.

"Now, I could never change you
I don't want to blame you.
Baby, you don't have to take the fall.
Yes, I may have hurt you, but I did not desert you.
Maybe I just want to have it all.

It makes a sound like thunder
it makes me feel like rain.
And like a fool who will never see the truth,
I keep thinking something's gonna change."

He already has a girlfriend. They've been together for eight years now and eh couldn't leave her because she was always trying to kill herself. He desired to be free. But he couldn't take it into his conscience that he will be happy and she will keep killing herself because he left her.

He wanted a peaceful exit. But he coudn't do it yet. He wanted to give this new girl a good start without having to look back. Without people trying to intrude their happy life together.

He just couldn't do it yet.

She just had to cry. She cried every night thinking about it. She wanted him so much. She loves him so much. She believes that no other man can ever take his place. It's just that why can't they be together.

She knew that he loves her too. But like before, all he ever says is move on. "Live your life outside this relationship. You're smart, you're pretty, you don't deserve to be treated this way."

She took his advice. But she couldn't deny that she loves him so much. She wanted him so much that she could kneel down in prayers all day just so they could be together.

But things had to fixed yet. And the only question is... is it still worthy to wait? ... when you're not sure of what you're waiting for?

.
.
.


Mega english ako.

Hindi pa naman dumudugo ang ilong ko.

Pero yun ang question.

I talked to some of my friends about it. Guy friends that is. They told me:

"It isn't all about love. Kahit mahal mo siya, kung gago naman ang pagtrato niya sayo. Walang sense. Simpleng relasyon, hindi niya maibigay. Anong sense na magstay ka?."

Another friend told me.

"Kung worthy maghintay, depende. Sometimes, Ok din ang maghintay. pero dapat alamin mo kung hanggang kelan ka lang maghihintay."

.
.
.
Kayo, ano sa palagay nyo?



- chagadelic gurl - 




- Sometimes Love Just Aint Enough Mp3


Bangus, Polvoron at Chick'n Joy



Nagsindi na naman ako ng yosi.

Napayosi ako sa tindi ng usapan namin nina HG at VG (See The Curiosity of A Virgin).

Emotions ang labanan. Labasan na naman ng sama ng loob tungkol sa mga lalaki. This time iba na naman ang problema ni VG. Nakamove on na siya sa confusion niya kung papatulan pa ba niya ang ex niyang rocky road ang mukha. Ngayon naman, panay ang labas namin ng hinaing sa kung bakit na naman sila ganon. Bakit pag kampante na sila, nawawala na rin ang pagpapahalaga?

Nagyosi ulit ako. Sabay kuha ng Bangus at binuksan ito. Pinapak ko ang bawat piraso habang nagkukwento na naman si VG.

"Takot yun sakin kapag magkaharap kami. Pag sa text lang naman yun ganito eh. Nakakailang text ako sa isang araw. Ang gusto ko lang naman yung magreply siya kahit konti lang eh. Sabihan man lang ako ng 'Ingat ka', 'Kain ka na'.. o di kaya 'Miss you na'. Kaso nakakailang text ako sa maghapon, ni isa man lang walang reply." VG vented out.

"Tangna', napayosi talaga ko sa usapang toh ah. Bakit nga ba kasi sila ganyan? Kapag kampante na sila, wala na lang. Papabayaan ka na. God!" napayosi na naman ako.

"Eh kasi, ganun nga sila. Kapag kampante na sila, magiiba na ang focus ng mga yan. Kasi nandyan ka lang naman eh. Kaya minsan dapat ginagawa mo pa ring mysterious ang sarili mo." HG commented and continued "Eh kasi naman, wag ka agad bubukaka. LOL"

Natawa rin ako, "Eh kasi naman, bumigay ka din agad noh. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa inyo. Dapat kasi hinayaan mo muna rin siyang mageffort."

Natawa na lang din si VG. Hindi ko alam kung nakikinig siya sa mga sinabi namin or nasasarapan na siya sa pagkain ng mga junk food na binili namin.

"Nagpunta na ba siya sa inyo", I asked her.

"Hindi pa." VG answered.

Nagsindi na rin ng yosi si HG.

"Alam mo kasi, parehas lang tayo ng problema. Magkaiba lang ng format. Ang problema mo, hindi nagpaparamdam sayo kahit makailang text ka. Ang problema ko, magkasama nga kami.. hindi naman ako pinapansin. Mas mahal pa niya yung part time job kesa sakin. Wala na siyang ibang binanggit kundi yung part time job. Yun lang daw ang makakapagpasaya sa kanya. Eh, hello? Wala ba 'ko dito? Duh? Kaasar!" Now I started venting out myself.

I continued, "Sino ba kasi nagimbento ng part time job??? Naiinis lang ako. All he ever thought about is getting that stupid part time job. He couldn't be thankful because I'm still here. He couldn't be thankful because at least, may regular siyang trabaho. He couldn't be thankful with the thought na meron siyang dadating na 13th month pay. At least meron diba? The fact na meron. Pero talagang dinadamdam niya lahat yung mga bagay na wala. Nakakainis na. Nakakasawa nang pakinggan. Paulit ulit na. Part time job.. Part time job.. Part time job.. God! Tapos sasabihin niya sakin pinagseselosan ko yung mga bagay na yun. No I don't. It's just that he's so much pre-occupied with those things. Pati yung desktop na gusto niyang iassemble, naiinis nako kasi yun talaga, pinagaaralan niya.. nireresearch pa niya at pag dumadating ako ng bahay, nagkalat ang mga papel tungkol pa rin lahat sa PC parts na gusto niyang buuin. Damn! Mabuti pa yung PC napagaralan niya. Samantalang yung samin, he couldn't even make an effort to date me at somehow, a place that would perfectly be romantic for both of us. Yung sakin, walang research research. Yung mga dates namin, biglaan lang..hindi man lang napagisipan. They spend so much time on thinking about other things samantalang ikaw, they just give you kung ano lang ang meron na diyan. Yung ibang bagay, mas mahalaga pa rin talaga at kailangang pinagaaralan masyado."

I asked HG, "Mali bako? Gusto ko lang ng attention and appreciation from him."

Tahimik lang si VG, then HG answered me. "Hindi."

"Bakit?" I asked again.

"Eh kasi nature nating mga babae yan eh. Yun ang hinahanap natin, na maalagaan. Kasi sa lalaki, tayo ang nawawala nilang tadyang. Tayo ang kakulangan nila sa pagkatao nila. Tayo bilang babae, nature natin na maramdaman at hanapin yung security. Tayo ang nawawala nilang tadyang, at Biblical yan ah. Galing pa sa misa." She answered me completely.

I laughed a bit. May point siya. Kaya siguro naghahanap kami ni VG ng security. Kaya siguro naghahanap kami na maramdaman yung feeling na inaalagaan kami.

I didn't know that.

"Sige, sasabihin ko pag nagkausap ulit kami." I said. "I'm definitely going to blog this."

"Uy, wag. Baka basahin ni boyfriend." VG warned me.

"So? It's my blog." I told her. "Tsaka para malaman ng jowa mong sira ulo. Yung sayo naman kasi, imagine, 3 days walang paramdam. Tapos ano? Asan siya? Nagagalit siya pag nakakawala ka. Pero pag ikaw, hindi ka pwedeng magalit? That is lame. How sure are you na nasa hospital lang yun at hindi nambababae? Sorry siya ng sorry eh wala namang nangyayari."

HG followed my comments, "Tsaka alam mo ang immature nang boyfriend mo. Walang ka-effort effort na pumunta sa inyo. Maganda ka naman, may trabaho ka pa. Maraming ibang lalaki jan. Bakit ba ipinagpipilitan mo ang sarili mo dun eh andami dami mo pang mahahanap. Hindi mo mababago yang boyfriend mo. Binibigyan mo lang ang sarili mo ng problema. Sabi nga ni Papa Jack, nasa heaven ka dapat kapag nasa relasyon ka. Pero iba na yan kapag hell na."

Ginisa na naman namin si VG.

Tahimik lang siya.

"Magbreak na kayo nang boyfriend mo." HG advised her.

Bilang mabait na kaibigan, I followed her. "Oo nga, magbreak na kayo. Walang kwenta ang relasyon nyo'."

"One month pa lang kayo ganyan na kayo. Magbreak na kayo kasi naglolokohan lang kayo. Sa tuwing nawawala yang boyfriend mo naghahanap ka nang attensyon sa iba. Magbreak na kayo."

VG breathed deeply.

Hindi ko alam kung nakikinig ba talaga siya o nagigising na siya sa katotohanan.

I suggested something, "Alam mo, parehas lang tayo ng sitwasyon. Magkaiba lang ng format. Kaya ang gawin mo. Wag ka na lang magfocus dun. Gumimik na lang tayo at manlalaki."

They laughed a bit.

"Seryoso ko. Tara gumimik na lang tayo. Pabayaan natin yang mga lalaki na yan. At least naman, maiba man lang ang mundo natin. LOL" I said.

They liked my idea.

"Gawd! I just wish wala na lang talagang nagimbento ng part time job". I said.

"Hahahaha. Manlalaki na nga lang tayo." HG suggested.

"I know, right." I answered back.

We laughed out.



- chagadelic gurl -


Bakit kami SINGLE?


"Sometimes you have to stand alone to prove that you can still stand."Anonymous


Maraming kumakalat na quotes sa Facebook.

Isa na nga yung photo sa taas sa mga nahanap ko. Dahil diyan, naalala ko si HG (Hottie Gurl. See "The Curiosity of a Virgin"). 

Naalala ko siya. At naalala ko kung bakit nga ba kami SINGLE.

Si HG, panay ang textmates. Panay ang kakakolekta ng boys sa workplace, sa chatroom at minsan sa paligid ligid lang. Pero kung tatanungin mo siya kung may nakarelasyon siya lately, proud niyang sasabihin sayong WALA. Bakit? May hinihintay siya. Pero at the same time, she is enjoying the benefits of a happy single life.
.
.
.
Which I also do. LOL.

Bakit nga ba kami SINGLE?.. kahit naman may mga lalaki sa paligid namin? Bakit may mga taong ganito ang pinipili? Bakit may mga taong tumatanda nang walang asawa o walang karelasyon? Worst case, NBSB...

Sa obserbasyon ko, minsan kasi, ang relasyon, sa halip na maging dahilan ng kasiyahan mo, yun pa ang nagiging dahilan ng pagguho ng mundo mo. Hindi dahil babaero siya o dahil sa ipinagpalit ka niya sa kakambal ni Inday. Minsan kasi, may mga relasyong hindi magwork at mas magandang hayaan mo na lang na wala kayong commitment. Dahil kung sakaling mang hindi magtagal ang lahat, at least, walang attachment. Wala kang sasabihan ng "Break na tayo!", dahil hindi naman kayo.

Eto ang katwiran namin ni HG. Kung may iba pang dahilan kung bakit single ang ibang tao, hindi ko alam. Pero sa totoo lang, minsan kasi.. ang sarap lang talagang mapagisa.

Isang gabi. Dumaan si HG sa bahay habang bisita ko si Shyder. Magpapalipas lang daw siya ng oras dahil may "Midnight date" sila ng jowa jowa-an niyang tawagin natin sa pangalang Jejeguy...

9PM. Kwentuhan. Iniwan ko muna si Shyder sa living room. Nakatulugan niya ang pakikipagkwentuhan ko kay HG.

10PM. Dumating ang isa naming kaibigan. Kwentuhan ulit. Tulog pa rin si Shyder sa living room namin.

11PM. Umuwi na ang kaibigan namin. Kwentuhan pa rin kami ni HG. Nagsimula na siyang magdrama.

12PM. Panay na ang text niya kay Jejeguy. Kung hindi walang response, puro excuse kung tuloy o hindi ang lakad nila.

1AM. Todo drama na si HG. Sa kabila kasi ng pagtakas niya sa bahay nila, at paghihintayng mahigit apat na oras, sasabihan lang siya ni Jejeguy na 'Matulog ka na.'

2AM. Gising na si Shyder. Sa dinami dami ng sumbatan at dramahan ni HG at Jejeguy, natuloy din naman ang midnight date nila... sa McDonald's. Hinatid namin siya ni Shyder para i-meet si Jejeguy. After nun, movie marathon na kami ni Shyder sa usapang natuloy nang 2AM na dapat ay 10PM nang nakaraang gabi.

.
.
.

Nung gabi na yun, kasama sa mga dramahan namin ni HG ay kung bakit ganyan silang mga lalaki... Bakit ang hilig hilig nilang magexcuse? Bakit andami dami pa nilang sinasabi? Bakit hindi na lang sabihin ng diretso kung ano ang gusto talaga nilang mangyari? Bakit sa dinami dami nang nangyari, sasabihan ka lang nila ng 'Tama na, andito na nga ako eh. Ano bang kinagagalit mo?'... At ikaw naman babae, konting sorry lang.. Ok na ulit.

Matapos ang gabing yun, nagkita ulit kami ni HG kinabukasan. At sa kabila ng galit ni HG nang nakaraang gabi, napawi rin naman ito nang pagbigyan siya ni Jejeguy na makapagusap sila. Tapos na ang dramahan. Balik ulit sa dati. Parang walang nangyari.

Ano ang conclusion kung bakit kami SINGLE?

Kasi, mahirap ang commitment kung minsan. Ipagmamalaki mong kayo na. Ipopost mo sa Facebook ang mga photos nyo'. Ipagmamayabang mo sa mundo na mahal na mahal nyo' ang isa't isa sa pamamagitan ng paulit ulit na pagcocomment sa mga status nyo'. Ipapakilala mo sa pamilya, kaibigan, kaklase, katrabaho, kapatid ng nanay ng tiyuhin ng pinsan ng barkada ng katrabaho mo. At kapag may gusot kayo, apektado lahat..alam nang lahat at halatang halata sa mga accounts nyo'. Masyadong maraming publicity ang relasyon. Masyado ring maraming makakaalam kapag nasaktan ka. Bakit kailangan gawing kumplikado ang lahat kung sa huli naman, either itutuloy nyo' sa kasalan ang patagong relasyon ninyo o magkakalimutan lang din naman kayo.

Kaya sa halip na ipangalandakan namin ang mga sarili namin na may mga special na tao sa buhay namin, ipinapanatili na lang namin ito sa mga sarili namin. Kung anuman ang mangyari, hindi nila alam.. hindi ganun kahalata at walang masyadong magrereact.

I know, it obviously sounds na ineexpect namin ni HG na magkakaroon lang ng problema ang relasyon. Which is true, and no one will ever be exempted sa mga issues basta may ibang tao kang pinapaasok sa buhay mo. Sa madaling salita, play safe lang kami. Magwork man o hindi, secured ang mga sarili namin. Para kaming mga computer, in case na walang antivirus at mapasukan ng Trojan, handa na ang mga back up files at handa na rin kaming magreformat anytime.

Sa totoo lang, wala naman talagang masama kung SINGLE ang isang tao.
May mga taong pinipili ito.
May mga taong gusto ng katahimikan.
At may mga taong naniniwalang hindi kailangan ng public status ng relasyon... kami yun. LOL.

.
.
.

At hindi ko alam kung may sense ang blog ko ngayon o dahil lang ba ito sa tatlong Sleepasil na nainom ko kagabi. LOL



- chagadelic gurl -


The Curiosity of A Virgin


"Curiosity is the lust of the mind. "
- Thomas Hobbes


Cast:

Ako
(VG) Virgin Gurl - isa sa mga tropang Chag na hanggang ngayon ay virgin pa rin.
(HG) Hottie Gurl
 - isa sa mga tropang Chag na timid lang pero bonggang bongga sa dami ng alam.
RR - "RR" as in "Rocky Road"; Ang ex ni Virgin Gurl


Sumipsip ako ng konti sa Pepsi sabay subo ng Nova chips habang panay ang pagsesermon at pangungulit kay Virgin Gurl.

"Ano na namang kagagahan toh?" tanong ko kay Virgin Gurl.

"Ewan ko jan sa kaibigan mo. Ikaw na nga magtanong." Hottie Gurl stated as she took a sip of her own Pepsi drink.

"O, ano bang nangyari?" I asked Virgin Gurl one more time.

Nahihiya na natatawang nag-expplain si Virgin Gurl. "Kasi si RR, niyaya ako one time. Ang text sakin, wala daw tao sa bahay nila. Siya lang daw mag-isa tapos natatakot daw siya kasi bukas pa uuwi yung mga tao sa bahay nila. Sabi niya susunduin daw niya ko sa Compex."

"O tapos?" tanong ni HG.

"Tapos nakapunta naman kami sa bahay nila. Ibang iba na yung bahay nila. Ang laki ng pinagbago." kwento pa ni VG.

"O, anong ginawa nyo?" ako naman ang nagtanong.

"Kasi nung una, usap usap lang. Tapos dapat manonood kami ng TV, kaso nauwi lang din sa kwentuhan. Usap usap tungkol sa mga buhay buhay. Tapos nagulat na lang ako. Bigla niyang hinalikan. Grabe siya, yung parang gigil na gigil. Parang halimaw kung makasugod."

"Gaga! Talagang ganun, manyak eh." I commented.

She continued, "Tapos maya maya sabi niya... 'Wag tayo dito'. Hinila niya ko sa kwarto niya. Grabe, ang ganda pala ng kwarto ni RR. Tapos."

She hesitated to continue. Tawa lang siya ng tawa. "Nahihiya ako." she said.

"Gaga! Wag ka na ngang mahiya samin. Hindi naman na tayo 13 years old para hindi malaman yang mga ganyang bagay. Tsaka alam mo, sanay na sanay na kami sa mga eksenang ganyan." I explained to her sabay hithit naman ng yosi ko.

She laughed a bit and still hesitated to continue. So I started asking to complete the story.

"Hinubaran mo ba?"" I asked.

"Hindi." VG answered.

"Naghubad siya sa harap mo?". I asked a different question.

"Oo." VG answered again.

Na-excite naman si HG so she asked, "Anong size? Malaki ba? Dakota? Mahaba?"

"Malaki. Mga isang palad ang haba. Ganito oh." VG demonstrated the size and circumference na possibleng sumusukat ng 6 to 7 inches.

I interrupted. "O tapos ano nang nangyari?"

VG then continued, "Tapos nung nandun na kami sa kama, pinapaliguan niya ko ng laway. Hawak hawak sa kung saan saan. Tapos siya hinahawakan ko din. Hinubaran na rin niya ko nang pantaas."

"Buti hindi siya nanlumo sa nakita niya noh? VG asan ang boobs mo? Hindi ko makita?? Hahahaha." pagbibiro ni HG. "Ay ano toh? Namaga lang? hahahaha."

The three of us laughed. But again, VG continued.

"Tapos nung huhubaran na sana niya ko sa pambaba, sabi ko sa kanya... 'Oops, meron ako.' Tapos tinigil niya. Sabi naman niya sakin, 'Nabibitin ako"."

"Anong ginawa mo? B-ni-J mo?" HG asked.

"Hindi ah. Hinawakan ko lang. Matagal siyang labasan eh." VG answered.

"Hindi ako naniniwala. Ganyan yan eh, sasabihin niyang hindi. Pero yun pala, ginawa niya din." HG said.

"Sige na nga aaminin ko na. Oo may ginawa ako." inamin din ni VG.

"Pero may nangyari sa inyo?" I asked her.

"Wala. Buti na lang meron ako. Saved by the bell talaga yung period ko." VG answered.

Out of nowhere, biglaan may nagtext kay VG. Kasalukuyan pa rin kaming nagkukwentuhan tungkol sa experience ni VG pero nagulat kami nang malaman kung sino ang nagtext. At wala na ngang iba kundi ang ex-boyfriend ni VG, si Rocky Road..

According to VG, this is what he said. "Hindi ko makalimutan yung nangyari satin. Gusto ko sanang maulit."

Muntik na kaming magwala ni HG sa labas ng bahay nina VG. Demmet! That guy will not be contented hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya.

"Alam mo, yan ang di ko magets sayo. Obvious na obvious naman na yan lang ang worth sayo ni RR, ewan ko ba naman kung bakit hindi mo makita yun. Tapos hindi ko rin magets sayo kung bakit ba naman nagtitiis ka sa kanya. Gusto mo na ba talagang makaranas ng sex?" I asked her in a bit annoyed tone.

"Ang problema kasi ni VG, sa tingin niya kapag binigay niya lahat, mababago niya yung tingin ni RR sa kanya. Which is hindi naman talaga. Gusto kasi niya magbago si RR." HG commented as well.

Natatawang napapahiya lang si VG. At the same time asar na asar din naman siya kasi hindi niya alam ang sasabihin sa Ex niyang obvious naman ang gusto lang sa kanya.

"Alam mo, kung hahalayin ka ni Ernest(isa rin sa mga tropang Chag), mas matutuwa pa kami eh. pag siguro may nangyari sa inyo, magpapafiesta kami. Magpapainom kami. Kasi at least u gave your virginity to someone who's worth it. At least a decent guy. Kesa diyan sa ex mong hindi ko alam ang future." sermon ko naman ulit kay VG.

"Sabi niya sakin, wala pa daw siyang nagagalaw na babae." pagtatanggol pa ni VG.

"Naniwala ka naman? Kung talagang virgin pa yan, bakit alam na alam niya ang gagawin sayo? Dapat kung di pa siya nakakagalaw ng babae, dapat pagkatapos niyang gawin sayo yun', mukha kayong tanga." Sinalo naman ni HG ang isa pang sermon.

I think at that moment, lutong luto si VG between me and HG as she has always been. Though somehow, I know how hard it is at her point na mahal naman niya, pero nagbubulag-bulagan siya sa reality na yun lang ang habol sa kanya ng ex niya.

Nagtext ulit si RR.

"Ang kulit talaga niya, sinusumbat pa niya sakin na pareho naman daw naming ginusto na mangyari yun eh." kwento ni VG.

"Eh ganun naman talaga ang sasabihin niyan eh. Kasi nga, wala naman siyang ibang focus kundi ang makuha lang yung gusto niya." HG explained. "Ayoko nang sabihan ka kung anong magandang i-reply jan, matanda ka na.. alam mo na dapat mong gawin."

"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya." VG said as she kept on browsing his text.

"Basta eto, panindigan mo. Kapag sinabi mong ayaw mo, wag mo siyang hahabulin. Pabayaan mo siya. In the first place, hindi naman siya lang ang lalaki sa mundo. Kung sex ang gusto mo... hindi ka mauubusan ng mga lalaki. Marami pa diyan. Basta kapag ngayon nagreply kang ayaw mo, panindigan mo." I told her.

She texted him. Hindi ko na alam ang sinabi niya.

HG and I lighted our own sticks of Marlboro Lights. We talked about her urged to do it with a guy while VG continued to figure out what to text back to her ex.



- chagadelic gurl -

The Transformers

"Growing up is never easy. You hold on to things that were. You wonder what's to come. But that night, I think we knew it was time to let go of what had been, and look ahead to what would be. Other days. New days. Days to come. The thing is, we didn't have to hate each other for getting older. We just had to forgive ourselves... for growing up.” - The Wonder Years


Ever wondered how your friends from Pre-School to High School would look like after 5, 10 or 30 years?

Wala akong magawa, so out of nowhere, naisipan ko lang maghanap hanap ng picture sa Facebook and sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko ang ilang mga litratong napaglumaan na ng panahon.

It's just so amazing how people used to look like losers and they end up today looking like the next most gorgeous woman on earth or the yummiest hunk ever created.

From a friend's Facebook account, I found these photos and look how young girls and guys turned from ugly duckling into beautiful swans:



This was taken from our Sophomore's Acquaintance party. We were 14 Years of age then, look at them now:



Charisse is already married with her longtime boyfriend Junjun and they now have their own kid.


Majoh is now a registered nurse in one of Laguna's top rated hospitals.



Che has just recently got her license, also as a registered nurse.


This one was also taken way back from our Sophomore years, during our Acquaintance party:



Jeanal also currently works as a registered nurse at one of Laguna's known hospitals.


Krissie just recently got hired as a Telemarketing Account Officer in a mobile content producing company.


Ernest has been with one of the top Call Center companies in the Philippines and works there as a Software Engineer since the year 2008.


Along with other boys, this photo was also taken in the same party of our Sophomore year.



Joseph worked as a Barista in Starbucks Greenhills after college graduation and as of today, nobody knows where he really works. All they know is that everytime he appears to reunions, he always have the latest phone with him.


Michael is currently working as a Marine Engineer who travels all over the world.

.
.
.

Nakakatuwang isipin, parang kelan lang, nagkokopyahan lang kayo pag' may exam. Parang kelan lang, nagkakaaway away at nagiiyakan pa kayo dahil sa ilang mga project na hindi nyo' alam kung paano tatapusin. At parang kelan lang, sabay sabay nyong' inihagis ang white graduation cap nyo' as a sign na natapos nyo' ang kalagitnaan ng phase ng pag-aaral.

Parang kelan lang.

At nakakatuwang isipin pa, na sa paglipas nang panahon..ibang transformation naman ang magaganap. Ibang looks, ibang style, ibang trabaho, ibang societal class na ang makikita mo.. ang hindi lang nag-iiba ay ang bond. Bond of friendship na kahit noong High School nagsimula, hanggang ngayon.. hindi pa rin nawawala.

.
.
.
At hindi nako magdadrama kasi baka sabihin nyo' ang korny ko na.

I just wonder, ano naman kaya ang susunod na transformation???


Note: All photos were extracted from Majoh's Facebook account. Some photos were meant to be pixelated to protect the privacy of those people who did not provide authorization to publish themselves in the blog. 



- chagedelic gurl -

Bakit Ako Natuwa?



Boring na araw sa office.

Nagiisip na naman ako ng pwede kong pagtuunan ng pansin.

Hanggang sa maisip kong magbukas ng Facebook.
.
.
.

Sa Yahoo Mail pa lang, nakita ko na ang notification na may nagmessage sakin.

Tinignan ko.

.
.
.

At natuwa ako sa aking nakita.

.
.
.




Bakit kamo ako natuwa?

.
.
.

Jamie does it in a simple way to make people smile.
She always stays in character even in Facebook...

"Ang Babaeng Bakla"



- chagadelic gurl -




Ang Malandi Kong Bestfriend

Before I start blogging, I would like to clarify that the photos contained in this entry is not meant to harm or provide negative thoughts about the person appearing below.

Instead, we are publishing her photos so that we will be able to reach every SINGLE MEN who might be willing to date this beautiful girl.

.
.
.
.
.

And I'm actually kidding! LOL : )



Readers, let me introduce to you our very own single lady from Ilo Ilo City.
.
.



Ma. Jeanal Cordero
 
22 years old (turning 23 this year)
 
Currently working as a volunteer nurse.



I know. You'll ask me why I'm blogging her.

Well, to answer that question, I guess one reason is because her love life has been very interesting. And we girls talk about it the whole time because she always tend to do things in a little bit odd way.

.
.
.

Harsh ba? Hahaha. Not really.Jeanal, as we call her, has always been the "virgin" of the group. Bago nagkaboyfriend yan, inabot muna yan ng college at may pagkasapilitan pa yung pagkakaron niya ng first boyfriend. Like any first relationship, you would get lost at first, be somehow traumatized but you'll learn what 'first time' taught you.And after a few months, nagkaboyfriend na ulit siya. This guy? She totally loved him. Kaya lang, it turned out to na parang walang balak magseryoso si guy. She at least tried to work things out. Pero inevitable. You can't ask someone to change for you so the relationship ended.

Another few months after, nagkaron ulit siya ng boyfriend. This is where "getting things a little intimate" comes in. Well, I could say na part naman talaga ng growing up and relationship yun eh. Kaya lang, wrong choice of guy din kasi. He's sort of Ok though the problem this time, is that he's so much obsessed of her and he demands a lot.. which she cannot give at that time.
So still not the perfect guy.

And now, she's somehow going out of the box already. Exploring new things and exploring new ways such as flirting.. dealing with intimacy and all that.

Nakakaloka lang talaga, anlandi na ng lola nyo!

Check out the photos I found in Facebook:

Eto, talagang pwedeng pang-FHM ang lola nyo'.



O diba? kulang na lang magpalit siya two piece, game na game na photoshoot.

At hindi nakuntento ang lola mo, inulit pa. Change costume lang.


But in fairness with Jeanal, we girls, all dreamt to somehow be able to pose sexy diba? Hahaha. Kaya lang, puro likod. Parang masasabi mong: "Sana likod ka na lang." ...LOL


.
.
.

Anyway, whoever of you guys are interested on dating this pretty girl, Just don't hesitate to leave a comment. Thanks!




Note: Perverts or Inappropriate usage of immoral language will not be entertained.



- chagadelic gurl -


Nauuso ba ang Break Up?




Hindi ko maintindihan. Hindi ko na naman magets. Nagtatanong na naman ang isip ko.

Talaga ba? Talaga ba?
Uso ba talaga? Uso ba talaga ang break-up?


.
.
.

Sa pagkaka-alam ko, sinasabi nilang mas panget daw makipagbreak kapag December. Kasi malamig. Yung iba may kayakap ang may kasabihan ng..
"I love you. Merry Christmas ."
.
.
.

Kaya nga siguro, iilan lang ang nagbbreak ng December. Kaya yung iba, ginagawa na lang nilang June ang break up para makahanap pa ng iba bago ulit mag-December.

One month ka-text o kachat. One month ka-eye ball. Additional one month para sa eye-ball na may kasama ng tagline na "friends with benefits". Two months na ligawan. Then on the sixth month (December), kayo na.
.
.
.

Nagjo-joke ako. Wala talagang ganung notion ang mga tao.
Kaya ko lang nasabi yun dahil June ngayon. At sunod sunod ang nababalitaan kong break up.

Isa na ngayon ang friend kong si Majoh.
.
.
.

One Saturday night. At my house, Majoh, Che and I decided to have a drink dahil malamig ang panahon at dalawa sa amin ngayon ay 
BUM..

Narito ang ilang mga eksena..
.
.
.
Correction. Hindi pa break sina Majoh at ang boyfriend niya. They are just in current rocky roads of a relationship.

Eto lang maia-advice ko sa kanila:

Compromise.

It works. Really.

Ganyan talaga ang break-up. Laging alak ang katapat.



- chagadelic gurl - 




Anong meron sa EBook?

Sorry. It's been a while since I blogged again. Pano' ba naman kasi, andami daming nangyari. And to inform everybody.. there's one thing that's new about me.


Nagresign na po ako. Opo, nagresign ako at totoo ang nababasa mo.

Bago ba?
Sort of dahil kahit papano nagkaron' ako ng lakas ng loob na aminin sa sarili kong ayoko na. Pero, 
isang bagay.. Narealize ko din after a few days na hindi pala dapat ako nagresign dahil ang saya saya na sana ng trabaho ko.. imagine, regularized and already earning what seemed to be an enough "pay" for a person like me.

Though, thing about this is that it's already done. I'm currently unemployed and is again looking for a job.
Anyways, I have a treat for a special friend as a starter for this month. Something that makes an unemployed person busy.. like me..

One night in my house, che decided to read some things from my ebook.

Hiyang hiya naman ang friend ko dahil alam niyang ib-blog ko siya.



And I really took the time taking her pics in any angle.



Question..question..


Ano kaya ang binabasa ni Che sa Ebook ko??




- chagadelic gurl -



Lucky I'm Inlove With My Bestfriend

Have you ever had a best friend whom you fell inlove with?

A best friend na nakasama mo through thick and thin. A best friend na nakita na ang pinakapangit mong ugali pero sinasamahan ka pa rin. A best friend na nakikita ang kagandahan sayo kahit bad hair day ka. And a close friend na kahit anong badtrip mo eh kaya kang patawanin.

I've seen a lot of best friends na nagkaron ng relationship. Some of them ended up really well at ngayon may anak na sila. Pero I know some na nagkaron ng relationship pero hindi "pa" natutuloy.

Sa tropahan namin, maraming example:

Orijinal at Istong

Description- Magkaibigan. Hindi naman uber close. Magseatmates ng ilang taon sa High School. Ang pair up ng barkada na hindi "pa" natutuloy sa relasyon kahit flirt man lang wala.

Research- Parehas kasing isip bata. Si Orijinal, puro kasi paglalaro lang sa mga textmates ang alam. Si Istong, puro na lang gimik at trabaho lang. Wala pa kasi talaga sa isip nila ang magkaroon ng matinding relasyon kahit hindi sa isa't isa. They're just really happy being friends right now.. and being ultimately single. Unless may hindi sila kinukwento that is.

Forecast- Magkakatuluyan rin sila.. kung maiisip ni Istong na nandyan nga pala si Orijinal. Si Orijinal naman kasi, ready naman yan. Kung liligawan lang ni Istong, sasagutin din yan. 

Chellat at Belandring

Description- Close friends. Super Close na muntik na sanang maging sila kaso pakipot yung isa. Magkasangga sa CAT Training nung High School. Parang halos naging mag-bestfriend din sila dati.

Research- Nagpakipot kasi yung isa. Naging play-safe si Chellat dahil iniingatan niya ang relationship nila bilang magkaibigan pati na rin ang readiness niyang mainlove sa isang taong tinuring niya as a brother. Unfortunately, sa time naman na ready na si Chellat, may girlfriend na si Belandring. At tumagal na ng 2 or 3yrs bago narealize ni Chellat na gusto rin pala niya si Belandring.

Forecast- Posibleng magkatuluyan sila. That is if magkakaroon ng tapang si Belandring na makipagbreak sa current girlfriend niya. Pero sa tingin ko, hindi gagawin ni Belandring yun para kay Chellat dahil marunong siyang rumespeto sa naging investment ng relasyon nila ng present girlfriend niya. Si Chellat naman, single lang yan. Until she finds the right person, nandyan lang yan. Maghihintay kung sinong mauna sa puso niya.

Lotlyn at Kuya Michael

Description- Eto ang magkaibigan na nagumpisa agad sa flirting. Though it is flirting, involved naman dito ang seryosong feelings sa isa't isa. He likes her, She likes him ang tema ng dalawa.

Research- Ok na sana ang dalawa, talagang meron lang pumagitna kaya hindi natuloy ang isa sanang magandang love story. They fully acknowledge that they both have the right feelings towards eachother. Ang problema, nadistract si girl sa ibang guy. Si guy naman masyadong nakapgfocus sa CAT career niya.

Forecast- May boyfriend si Lotlyn ngayon. Single naman si Kuya Michael. Kapag umuuwi si guy, they get to connect each other. Posible pa ring magkatuluyan sila in the end, that is kapag right timing na si Kuya Michael at si Lotlyn naman ang nagkataong single. Kelangan lang talaga ng right timing.

Magnolia at TCha

Description- Parehong matitinong estudyante ng School namin noon. Isang CAT Battalion Commander at isang Valedictorian. Niligawan ni guy si girl, binasted. Tapos ang storya nila.

Research- Parehas lang kasi talaga silang hindi bagay sa isa't isa. Si Tcha kasi, iba ang mundong ginagalawan. Si Magnolia naman, isang binatang uhaw sa pagmamahal. Nagkataon lang na hindi si Magnolia ang type ni Tcha ng panahong nanligaw si Magnolia. Isa pa, may hidden secret pala si TCha nun. May boyfriend pala siya.

Forecast- Magkaiba na ang mundo nila. Almost 4 or 5yrs na ang relasyon ni TCha sa present boyfriend niya. Nasa point na nga sila ng marriage eh. While si Magnolia, nagsisimula pa lang ng buhay sa labas ng pangangalaga ng magulang niya.

Majoh at Peste

Description- Nagsimula as friends. Naging close hanggang sa naging sila nung first year HS. Nagbreak. Naging sila na ulit nung fourth year HS. Nagbreak ulit. At ngayon, kanya kanya na silang mga buhay. May bago na si Majoh at May bagong na rin si Peste.. yata.

Research- Lagi nilang problema is maturity. Sa mga nagbabasa nitong blog ko na alam ang storya nila, alam kong magrereact kayong marami talaga silang problema. Sa tingin ko kasi, maturity talaga ang ugat ng lahat ng problema nila. Hindi magwawala si Majoh dahil lang hindi siya napansin ni Peste. Hindi mambababae si Peste kung naisip niya ang tagal ng relasyon nila at pinagmulan ng lahat. Parehas lang silang nangangailangan lang ng maturity pa.

Forecast- Magiging sila pa rin. I doubt it na hindi. Kung ganyan lang din naman na on and off ang lovelife nilang dalawa, pag pinagsama mo sila sa isang lugar, magkakaron sila ng time na magusap.. in the end, may makakapigil ba sa feelings na dati namang nandiyan na? Kaya alam ko, magiging sila din ulit.

At ako? Meron din kala nyo!

Pero hindi ko muna ibubunyag dito masyado, slight lang. 

Si "dating-special-someone" ang itinuturing kong bestfriend simula first year college. Naging close kami dahil na rin siguro lagi kaming naa-assign na magka-seatmate sa klase. Kapag may groupings, lagi rin kaming nagkakasama ng madalas dahil sa mga last names namin. At lagi ko rin siyang nakakasabay umuwi. Kaya in the end, na-fall na rin kami sa isa't isa. Pero dahil mga baguhan, hindi muna agad nagsalita ang magkabilang kampo.

Eventually, nagkaaminan din kami at nauwi din kami sa bf-gf relationship. We really had everything almost perfect. Kulang na lang samin noon is a good job so that we can get married. 

Kaso mga bata pa kami nun, we were just 18.

Naghiwalay din kami after a year and a half of such a wonderful relationship. It was a bad ending kasi walang linaw noon ang pinaka-reason kung bakit kami naghiwalay. Kahit on my part, hindi ko maintindihan kung bakit na lang siya biglaang nagdecide na magpart ways muna kami.

I had to question myself if I wasn't good enough as a girlfriend. Baka mas gusto niya ang ganito.. baka mas gusto niya ang ganun.. Pero hindi rin naman nasagot ang tanong til we had one of the most recent conversation.. after 5 years!.

At ngayon, we're staring to see each other again and we are having this very often communication lalo na kapag after work. Hindi ko alam kung san pupunta ang "re-connection" na to' pero ang alam ko, what I thought I had forgotten is just seemed to be coming back again.

Kung matuloy man to' ulit sa isang relationship ulit, i'd consider that as God's plans for me. Everybody knows how bad was the relationship I had with "most-recent-ex".

Ibig sabihin lang na kung magkakabalikan kami, God really wanted me to end up with him. All this time, he was there. He was just there kahit may relationship ako sa iba.

And the good thing is that, he was my bestfriend. It felt so good to be with him. Every conversation makes sense and it wasn't like there was something bad that happened before. I guess I consider myself lucky to have him back.. perfect words should be LUCKY and BLESSED at the same time.

Pinangarap ko to'. Pinangarap ko siya. Pinangarap ko na maging kami ulit kahit kasama ko si "most-recent-ex". It's upto God's plan now.



Note: At talagang kinuwento ko na ang lovelife ko. Sabi ko nga hindi ako magkukwento eh. Pero napakwento pa din ako. Sheeesh..



- chagadelic gurl -


Isa Pang Nakikigaya Lang

FIRST YEAR

1. Do you know exactly where your room was?

2nd room mula sa CR. Dati daw High School Building at pinaniniwalaang isa sa mga unang naging building ng PMS. Isa din sa pinaniniwalaang "haunted"

2. What section were you?

Erasmus. Hindi ako top section nung unang sabak ko sa High S

3. Are you a total stranger in that school?

Nope. Dun na ata ako unang tinubuan ng pimples. Unang nadapa. Unang nakipagaway.

4. First person to become your friend?
Uhmm. Lahat naman sila friends ko na ever since.

5. Do you still remember your 1st day in high school?

Yup. Total adjustment! New classmates. New Teacher (Ms. Tope).

6. Your best friend that time?:

Ma. Johanna Hilbero and Charlot Marie G. Abuzo

7. Who is your seatmate that time?:

Jamie Charlene Pabale (mula first year to fourth year ata kaming magkatabi eh)

8. Do you have a special someone that time?:

Wala. Kasi nangangapa pako sa High School life. Pero marami akong crush at meron akong naging crush sa classroom namin dati na ngayon eh tatay na.. "ata"..

9. How many are you in your class?:

Basta alam ko hindi lumalagpas ng 25 students.

10. Favorite teacher?:
Mr. Cailing. (Mataray yan pero na-iinspire ako sa mga pangaral nya samin dati.)

SECOND YEAR

1. Your section is:

Descartes.. na kalaunan naging Aristotle.

2. Name something special that happened that year:
Nagkaroon ng re-shuffle ng estudyante at napalayo ako sa mga kaclose ko. Nalipat ako sa section "daw" ng matatalino. Nag-iba din yung grupo ko at ang alam ko lang ng mga panahon na toh, gusto ko laging umaabsent kasi ayoko sa secion na kinalipatan ko.

3. How many were you then?:

Same thing nung first year.

4. Do you have the same classmates?

Merong iba na naging classmate ko pa din. Pero yung karamihan ng mga kaclose ko, hindi ko na masyadong nakakasama.

5. Favorite place to hang out:
Hindi ako madalas tumatambay ng school nun eh. Kasi lagi nga akong pa-uwi.

6. Something that happened that year?
Wala masyado, ang alam ko lang.. hirap ako maka-adjust nun dahil sa gitna ng school year, naging iba ang mundo ko. Naging iba din ang mga kasama ko. Pero good thing, napabilang ako sa grupo nina Charisse Ann Nevalga, Mark Joseph Punongbayan at Jamie Charlene Pabale na kilala sa pagiging masisipag na mga estudyante.

THIRD YEAR

1. Your section:

Socrates.

2. Your adviser:

Mrs. Bio. (Pwede din siyang tawaging Bio-woman). Isa siya sa mga terror ng school at ito ang pinakapaborito kong linya niya noon.

"Para kayong mga taeng nagkalat sa labas ng classroom."

3. Favorite place to hang out.

Playground. Fire Exit sa High School Building. Tuwing may training ng CAT.

4. Something memorable that happened:
During CAT Training. COCC pa lang ako nun at talagang ang nagpapatagal sakin sa training eh yung crush kong CAT Officer noon na si Randy Rabulan. Daming memories non' pero hindi ako ang highlight ng mga events kasi busy akong nakikipagkwentuhan lang lagi kay Ma. Jeanal Cordero.

Tsaka eto pa pala, JS Prom. Sa hindi inaasahang pagkakataon, isinayaw ako ng crush ko. At dahil malakas ang topak ng bestfriend ko nung time na yun na walang iba, kund si Jeanal Cordero.. naisipan niyang kunan ng picture yung pagsayaw sakin ni Randy. And guess what, andaming nahuling kababalaghan!!! (Diba Che? hehehe.)

5. Hobby that year:
COCC stuffs. After school/CAT Training.. punta kina Jeanal para tumambay.

6. Any batch theme song?

FOURTH YEAR

1. Your Section?

Pythagoras. Eto, top section nako na muntik pang hindi makasama dahil na-late ako ng enroll. Bwiset na bwiset ako dun dahil pagdating ng first day of classes, ako lang pala ang nahiwalay sa kanilang lahat.

2. Best bud/s:
Walang Iba kundi ang nabuong tropahan - TROPANG CHAG
Namely:

Ma. Jeanal Cordero
Rochelle Mae De Leon
Roselyn Aripol
Charisse Ann Nevalga
Ma. Johanna Hilbero
Jamie Charlene Pabale
Mark Joseph Punongbayan
Ernest James Garcia
Gerand Cacy Magno
Art Renato Belandres
Michael LaviƱa

3. Favorite place to hang out.

Bahay nina Jeanal. Bahay namin. (Lagi naman eh!)

4. What thing do you seldom do unlike before?
I guess we seldom "not" see each other (Tropang Chag). Kasi 5days a week ang classes. During Fridays, we stay up late dahil sa CAT Training. At minsan, kahit Saturday or Sunday, magkikita kita pa rin para gumimik, gumawa ng project at magkopyahan sa Accounting!

5. Have you undergone a disciplinary action?

Dalawang mabigat na karanasan at hindi malilimutang mga pangyayari:
CAT Training and punishments.
Yung napatawag ako sa office dahil nanuntok ako ng bakla. (Pero hindi naman talaga ako nadisciplinary action non', pinatawag lang sa office para magkausap - usap.)

6. Memorable things that happened:

Nung isang hapon sa training ng CAT, masaya kaming nagkukwentuhan nina sir Yatco kasama ng mga kasamahan ko sa CAT, nang sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang naki-epal si Alain. Si Alain ay isang transferee sa school at wala siyang naging kaibigan dahil na rin sa behavior niya nung High School. Topakin ang bading na to', kaya nung pagkakataon na yun.. nauwi kami sa awayan, at sa hindi inaasahang pagkakataon, nasuntok ko siya sa kaliwang pisngi. Saka ko narealize, shit! ansarap pala manapak ng epal.

7. If you had a choice, would you go back in time to experience high school all over again?

Oo naman. Uulit ulitin ko pang balikan yung memories. Ang ayoko lang.. bumalik ulit sa PMS para mag-aral, syempre, tatambay ka na lang.

8. Among the three, choose one that best describes your high school life: Unforgettable, So So, Couldve been better?

Definitely, Unforgettable!

9. Are you still in contact with old high school friends?

Yes. Pero mas madalas kong kasama ang nasa circle of friends lang namin. Yung iba, other means of communication na lang kagaya ng Internet. (most likely ganun!)

Name 10 things/person that you miss the most: (no particular order)
Hindi ko masyadong namimiss yung school kasi kapit bahay ko lang eh. pero pinakanamimiss ko syempre is yung mga batchmates and High School friends.

Kanin na sinabawan ng toyo at lumpia na pinaliguan ng Ketchup. Mind you, Php10 per meal lang yan.

Tumambay after class sa bahay nina Jeanal at manood ng movie. Eto yung mga moments na purita pa kami kasi magre-rent lang kami ng VCD sa Video City at mahal pa noon ang DVD. Minsan, yung nirerenta pa namin, yung pirated na puro sound na lang kaya mo naintindihan yung storya sa sobrang dilim nung kopya.

Makipagkopyahan ng assignment sa Accounting. Isang hindi malilimutang pangyayari, kalahati ng klase umabsent sa hapon para lang makapagkopyahan ng final assignment (ata?) sa Accounting. Kinabukasan, lahat ng umabsent, napagalitan.

Gumawa ng Outline sa klase ni Ma'am Bio. Isa pang hindi ko maintindihan, bakit mo kailangang ipasulat ulit sa mga estudyante ang bagay na nasa libro naman? Ang outline ay parang reviewer lang dapat na bullet points ang format. Pero sa takot ng mga estudyante tuwing tanungan, buong libro yung kinokopya.

Mag-CAT march kasama lahat ng officers na gumagawa pa ng exhibition. (Including yung mukha ni Gerand Cacy Magno pag hindi siya natutuwa sa mga hindi sumusunod sa orders niya)

Foundation Week na lahat pa ng klase noon sa PMS ay naeeffort na gumawa ng kanya kanyang booth. Favorite ko yung "Jail Booth". Ewan ko ba pero sa hindi ko maintindihang kadahilanan, lagi akong nahuhuli.

Hell Week sa CAT Training. Yung Special Saturdays na pupunta kayo ng 6AM sa school para ubusin ang lakas sa training para lang maging CAT officer. Ito ang pinakafavorite ko dun, yung kumain kami ng kaning baboy. (Kaning Baboy - n. pinaghalo halong pagkain kagaya ng meat loaf, hilaw na kanin, noodles, at sinamahan pa ng isang fresh na dahon ng sili on top)

Magreport sa klase ni Ma'am Bio. Report na in the end, itatanong mo sa sarili mo, bakit nga ba kailangan pa niyang ipa-report samin yung mga bagay na nasa libro naman na? Hindi kaya tinatamad lang magturo yung teacher? Pero isang bagay lang sa reporting, natutunan kong magdiscuss ng topic which is nadala ko sa college.

And lastly, kantahin ang song na included sa Flag Ceremony: "Lupang Hinirang" aka as "Bayang Magiliw", Panunumpa sa Watawat. Panorama Hymn. Isa lang ito sa matagal ko ng tanong na hindi pa nasasagot ng maligalig kong kaisipan. Sino ba talaga yung kumanta ng "Panorama Montessori School" Hymn???

Tama si Majoh, lahat naman.. nakakamiss eh.


Why do Ex-es come back?

Headlines:
Isang dating ka-ibigan, Nagbalik!
Isang nakakabiglang pangyayari ang naganap kanina. Habang kamumulat pa lang ng aking mga mata at ninanais ko ng magsipilyo ay may narinig akong isang katok mula sa aming gate. Hindi ko ito pinansin at ako ay nagtuloy na pananatili sa kama dahil tinatamad pa akong pumasok.
Ngunit hindi ako mapakali. Naisipan kong bumangon at nagulat na lang ako sa ibinalita ng aking kapatid. Isang bisita ang naghihintay sa akin sa aming teraza. Ako'y nagulat ng makita ko ang isang taong matagal ko ng hindi nakikita.
Bago ko ituloy ang kwento, una sa lahat. Hindi ako ang ex ng lalaking ito. At pangalawa, matagal ko rin naman siyang naging kaibigan.. as in "friend". Kaya hindi ako ang may isyu. Hehehehe.
At ganoon na nga, isang matagal ng kaibigan ang bumungad sa akin. At heto siya...
Matagal din kaming nag-usap. Nagkwentuhan tungkol sa kanyang bestfriend na wala siyang kaalam alam kung ano na ang balita at gustong gusto ko namang isumpa (Uy! isyu na naman yun). Nagkwentuhan kami tungkol sa trabaho. At syempre, pinagkwentuhan namin ang aking bestfriend.. na ex niya. Eto siya..
Dahil sa pag-uudyok, inaya niya akong dalawin namin ang aking bestfriend. Ngunit bago ang lahat, ipinaalala ko sa kanya na dapat niyang kontrolin ang kanyang sarili. Pumayag naman siya, at dinalaw nga namin ang babaeng kanya pa ring iniibig.
Sa pagkikita ng dalawa. Walang masyadong naganap. Tameme si babae. Tameme si lalaki. Para akong referee sa gitna ng silence battle. Siguro dahil na rin sa nandoon ang pagkailang sa isa't isa.Pero halata mo naman na may feelings pa on one of the sides.
Sabi nila, may mga signs kung mahal ka pa rin ng ex mo. Ayon sa nabasa ko sa isang website, narito ang mga usual signs on if theywant to come back to you or is still interested in you.
  1. Kapag kahit mga 10 years na kayong hiwalay, pero hindi mo maintindihan kung bakit parang lagi pa rin siyang nag eexist sa buhay mo. Yun bang tipong wala na kayong communication totally pero nagugulat ka na lang, nacocontact ka pa rin niya. Di ito isang misteryo. Ganito lang yan, ang ex ay ex na. Wala na dapat communication or even trying to reach out that person. Pero for some reasons, bigla na lang siya ulit magpaparamdam.
  2. Kapag nags-seek out siya ng chances na gusto pa rin niyang maging magkaibigan kayo.
  3. Madalas mayabang at mahangin. Bakit kamo? Kasi gusto nilang isipin mo na well established ang buhay at personality nila than before so you will want them back.
  4. Tanong ng tanong tungkol sa personal mong buhay. Eto yung mga tanong na kamusta na kayo ng girlfriend or boyfriend mo. Eto rin yung mga tanong na hindi naman ordinaryong tinatanong ng isang kaibigan gaya ng "Musta na ang sex life niyo ng boyfriend mo?".
  5. Hindi siya mapakali pag nagkita kayo ulit. Eto yung mga oras na tinatanong nila sa mga sarili nila kung "Maganda ba ko ngayon?" or "Ok ba itsura ko?". Kaya sila ganito kasi nga andun yung emotion na gusto nila i-impress yung taong kaharap nila. Which is ... you, his or her ex.
  6. May point na pag nag-usap na kayo, andun yung flirty conversation. Pero dadating sa point na parang ang formal masyado ng lahat. Eto naman yung tipong hindi mo mabasa kung ano talaga ang nasa isip niya over his changing emotions. Eto rin yung madalas kang mangangapa kung interested pa siya sayo or he just want to be friends with you. Kaya niya ginagawa ito ay dahil kino-kontrol niya ang emotions niya na deep inside naman eh gustong gusto nang sabihin sayong "I still love you". They tend to hide their true emotions by feeling and thinking what they want to feel and think kasi nga baka mabisto sila over their true emotions.
Kung tatanungin nyo kung ano ng nangyari sa pagkikita ng dalawa? Eto lang ang naganap, kamustahan then kamustahan then uwian na. Walang masyadong naganap. Pero kung kayo ang tatanungin, specially dun sa mga taong nakakaalam ng istorya ng pag-iibigan nila, sa tingin nyo, ano ang maipapayo ninyo sa babae?
Open for any answers.

Note: To the people involve in this blog, wag kayong masyadong mapipikon. Ito ay isang katuwaan lang. Peace!

- chagadelic gurl -



Magandang Panimula at 1/04/2010 06:27:00 PM

Happy New Year to Everyone!

This year should be a good start dahil for the very first time, I have created a blog for my "group" of friends. Isang blog na hindi ko alam kung magtitiyaga naman silang basahin. Pero masaya ako, totoo.. masaya talaga ko.. dahil for the very first time, makakapgpublish ako ng blog na hindi lang laman ang story ng buhay pag-ibig ko. And this time, it's all about them.. it's all about us. Our story. Our Reunion. Our Parties and "Gimiks". Our Friendship..

Shit! Andrama. But really, to start off the year.. and to start off this blog. Isang party ang naganap sa aming tahanan.




Hanapin nyo na lang kung sino ako diyan.
.
.
.

It's supposed to be just one simple party. Umaga pa lang namomroblema nako sa budget. (Wala pa kasing sweldo nun!). Pero natuwa talaga ko sa kanila dahil so far.. improving naman ang kinain namin. Dati rati kasi.. puro pancit canton lang handa namin. Akalain mo, may pizza na kami ngayon??!!
.
.
.



Pero di lang naman yun ang nagpasaya sakin. Sa totoo, lagi naman talagang masaya yung mga gala namin. Kahit kelan naman talaga na nagbobonding kaming magkakabarkada, it's always the happiest moment in the year. Hanga lang din talaga ko, kasi iilan nalang yung mga ganito. Imagine, etong barakada kong toh, I am definitely proud to say.. Lahat po kami ay graduate - with Bachelor's degree. At paano nagsimula ang barkadahan? High School.
Enough about the story kung paano nagsimula, ikukwento ko din yan. Pero etoh pa yung mga nangyari ng gabi yun. Take note: I had to miss my Company Xmas Party at the Bazzo Bar. (Shit! Ang yabang).




Kainan galore muna.
.
.
.


Anu pa nga ba? Edi inuman.
.
.
.


At syempre, nagkaubusan ng pagkain at the end of the day.
.
.
.

Pero all in all, masaya naman talaga yung xmas party. Well. So much for a welcome party. And hopefully. This should be a good start.

Happy New Year Ulit!